Pinas pagtitibayin pa ugnayan sa Chile

MANILA, Philippines — Umaasa si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ang pagbisita ni Chilean Foreign Minister Alberto Van Klaveren sa Pilipinas ay magpapalakas pa ng ugnayan at kooperasyon ng dalawang bansa.

Sinabi ng Pangulo sa courtesy call ni Klaveren sa Malakanyang na umaasa siyang lalo pang magiging matatag ang relasyon ng dalawang bansa.

Ito rin aniya ang pinakamagandang hakbang tungo sa mas maganda at mas matagumpay na hinaharap sa kabila ng distansya na dating hadlang subalit ngayon ay hindi na.

Iginiit pa ni Marcos na may malaking potensyal ang mga susunod na ugnayan ng PIlipinas at Chile partikular na pagdating sa agrikultura, lalo na sa pagtatanim at pagproseso ng cacao.

Ang cacao aniya ay unti-unting nagiging isang mahalagang produkto at sinisikap na maitaguyod  at ang Chile ang sa tingin ng pangulo ang mayroong pinakamahusay na mga teknolohiya pagdating sa nasabing produkto.

Bukof dito mayroon din aniya mga ibang pamumuhunan ang nais nilang tuklasin.

Nagsimula ang diplomatic relations ng Pilipinas at Chile noong Hulyo 1946 at pinagdiwang nila ang 75th aniberbersaryo ng ugnayan noong 2021.

Show comments