13 Pinay surrogate mother sa Cambodia, kulong ng 2 taon

Stock image of a pregnant woman.
Image by from Pixabay

MANILA, Philippines — Pinagsisikapan ng gobyerno ng Pilipinas na mapauwi sa bansa ang 13 surrogate ­mothers na convicted sa Cambodia.

Sa Bagong Pilipinas Ngayon, sinabi ni Department of Foreign Affairs (DFA) Undersecretary Eduardo De Vega, na sa kabila ng conviction ay ikinagalak nila na napagaan ang parusa laban sa mga Pinay.

Ito ay dahil sa halip na 20 taong pagkabilanggo sa ilalim ng surrogacy ban ay trafficking na lamang ang ikinaso sa kanila at mula sa apat na taon ay ginawang 2 taon na lamang ang kanilang parusa ng Phnom Penh nitong Miyerkules.

Bukod dito ayon kay De Vega, dalawa sa mga Pinay ang nanganak na kaya inaayos na rin ang pagkupkop sa kanilang sanggol sa pakikipagtulungan sa Department of Social Workers and Development (DSWD) at Department of Justice (DOJ).

PInaalalahanan naman ang mga Pinoy na ipinagbabawal ang surrogacy sa bansa at sakaling mahuhuli sila ay hindi sila nakakatiyak na mapapalaya sila.

Samantala, sinabi naman ni Philippine Ambassador to the Cambodia Flerida Ann Camille Mayo na ang 13 surrogate mothers ay na-recruit online sa pamamagitan ng private messaging o texting ng isang ahensiya na nakabase sa Pilipinas.

Wala rin aniyang direktang pag-uusap ang mga Pinay sa kanilang kliyente dahil hawak ng third party agency representative na kinikilalang “Ima” ang lahat ng kanilang transaksyon.

Show comments