Impeachment trial vs VP Sara malabo sa Senado
MANILA, Philippines — Walang sapat na panahon para matalakay ang isinusulong na impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte, ayon kay Senate President Pro Tempore Jinggoy Estrada.
Bagaman at ayaw magbigay ng komento tungkol sa impeachment, sinabi ni Estrada na “hindi na” o wala ng sapat na oras para dinggin ang reklamo.
“We’ll adjourn on December 18. We’ll resume on January 13. We’ll adjourn again first week of February,” ani Estrada.
Nakatitiyak din si Estrada na hindi mapapabilis ng Kongreso ang mga paglilitis, dahil inaasahan niya ang malalaking dokumento na maaaring iharap sa mga pagdinig ng impeachment.
Isinampa ang unang reklamo laban kay Duterte noong Lunes ng 16 indibidwal mula sa civil society, advocacy groups, at mga kamag-anak ng umano’y biktima ng drug war noong panahon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte. Kahapon isinampa ang ikalawang impeachment laban kay VP Sara.
Naniniwala naman si Estrada na walang idudulot na mabuti ang anumang uri ng impeachment complaint katulad nang nangyari sa kanyang ama na si dating Pangulong Joseph Estrada.
- Latest