MANILA, Philippines — Nilinaw ng Malakanyang na wala itong kinalaman sa inihaing impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte ng iba’t ibang advocacy groups.
“The impeachment complaint filed in the House of Representatives by several private citizens is clearly the complainants’ independent initiative, and its endorsement the prerogative of any Member of the House of Representatives. The Office of the President has nothing to do with it,” ayon kay Executive Secretary Lucas Bersamin.
Sinabi ni Bersamin na malinaw ang pahayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na pag-aaksaya lamang ng panahon ang pagpapatalsik sa puwesto sa Bise Presidente.
Paliwanag niya, karapatan naman ng isang pribadong indibidwal ang maghain ng impeachment complaint. Habang karapatan din aniya ng isang mambabatas na iindorso ang reklamo.
Matatandaan na iba’t ibang advocacy groups civil society organizations, religious leaders, sectoral leaders at mga pamilya ng biktima ng extrajudicial killings ang naghain ng impeachment complaint sa Kamara. Kaagad naman itong inindorso ni Akbayan Party-list Rep. Perci Cendaña.
Kasong bribery, graft and corruption, betrayal of public trust, culpable violations ng Konstitusyon at iba pang high crimes ang isinampang impeachment complaint laban kay Duterte.