Russian attack submarine naispatan sa West Philippine Sea

The attack submarine was spotted passing through the Philippines' exclusive economic zone (EEZ) after it completed its military exercises with the Malaysian Navy in the Malaysian coastal city of Kota Kinabalu, a Philippine Navy spokesperson told reporters on December 2, 2024.

MANILA, Philippines — Lubhang ikinabahala ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang nakitang Russian attack submarine na pumasok sa West Philippine Sea (WPS) nitong nakaraang linggo.

“That’s very concerning. Any intrusion into the West Philippine Sea, of our Exclusive Economic Zone (EEZ), of our baselines is very worrisome. Yes it’s just another one,” ayon sa Pangulo.

Paliwanag ni Pangulong Marcos na ipapaubaya na niya sa military ang pagpapaliwanag tungkol dito.’ “We’ll let the military discuss it with you,.”

Sinabi naman ni Navy Spokesperson for WPS Rear Admiral Roy Vincent Trinidad na namonitor nila ang presensya ng Russian attack submarine na isang Russian Navy’s Ufa 490.

Mula Malaysia, ang Russian attack submarine ay nakita 80 nautical miles west ng Cape Calavite, Occidental Mindoro nitong Nobyembre 28.

Dahil dito kaya nagpadala agad ang Philippine Navy ng aircraft at warship para mamonitor ang galaw ng Russian vessel.

Sa ulat ng Philippine Navy, ang UFA ay hindi agad lumubog kundi dahan-dahang pumunta sa direksyon palabas ng karagatan ng teritoryo ng Pilipinas.

Ayon kay Trinidad, ito ang kauna-unahang pagkakataon na nakamonitor sila ng Russian submarine sa katubigan na nasasaklaw ng 200 mile EEZ ng bansa.

Sinabi ni Trinidad na ipinarating din sa kanila ng Navy officers ng naturang Russian vessel na napadpad sila sa lugar dahil sa masamang lagay ng panahon. Hinihintay lamang anila na bumuti ang lagay ng panahon bago tumuloy patungong Vladivostok, Russia.

Show comments