Groundbreaking ng housing project sa Nueva Ecija pinasinayaan
MANILA, Philippines — Pinangunahan ni Llanera Mayor Ronnie “Roy” Pascual ang iba pang opisyales ng Nueva Ecija sa groundbreaking ceremony para sa pagpapagawa ng mahigit sa 30,000 na housing units sa Nueva Ecija, na nasa ilalim ng flagship program ni Presidente Ferdinand R. Marcos Jr.
Ang administrasyon ni Presidente Marcos ay naglalayon na magpatayo ng anim na milyon na mga housing units na lilikha ng 1.7 milyon na trabaho kada taon mula 2023 hanggang 2028 at ang paggawa ng libo-libo na housing units sa Llanera, Nueva Ecija ay parte ng proyekto ng gobyerno na magbigay ng disenteng tahanan para sa milyon-milyong mga Pilipino. Dinaluhan nila Mayor Pascual, kasama si Congw. Virginia Rodriguez, Congw. Mikaela Violago at Bgy. Capt. Grace Dinio ang ceremonial groundbreaking ng proyektong pabahay na gagawin para sa libo-libong mga benepisyaryo na magmumula sa munisipyo ng Llanera, Nueva Ecija.
Ang iba pang mga opisyales na dumalo sa seremonya ay mga kinatawan mula sa DepEd, Senior Citizens, LGU Family at daan-daan pang mga sumusuporta sa PascualMoves.
Sa pakikipagtulungan sa Pag-IBIG Fund, ang ahensya ay naglabas ng P200 milyon na developmental loans para sa proyektong pabahay sa ilalim ng President Ferdinand R. Marcos Jr.’s flagship Pambansang Pabahay Para sa Pilipino (4PH) Program.
- Latest