Rep. Barbers nagpasaklolo sa NBI vs vloggers na sumisira sa Quad Comm
MANILA, Philippines — Nagpapasaklolo na si Surigao del Norte 2nd District Rep. Robert Ace Barbers sa National Bureau of Investigation (NBI) para imbestigahan at panagutin sa batas ang mga vloggers na nagpapakalat ng maling impormasyon at paninira sa House quad committee.
Sinabi ni Barbers na hindi nila maaring kunsintihin at palagpasin ang mga vloggers na pinabaligtad ang katotohanan na gumagawa pa ng kasinungalingan na ipino-post ng mga ito sa You Tube, Tiktok at iba pang social media platform.
Naghihinala si Barbers na pinopondohan ng mga POGOs at ng sindikato ng droga ang mga malisyoso at bayarang mga vloggers.
Sinabi ni Barbers na lumiham na siya kay NBI Chief Atty. Jaime Santiago para tukuyin ang mga vloggers na nagpapakalat ng maling impormasyon na sumisira sa integridad ng public service at nililinlang ang publiko sa pambabaligtad sa katotohanan.
Nagsumite na rin si Barbers sa NBI ng ilang ebidensya sa mga malisyosong vlogs kabilang dito ang deregatory vlog mula sa kanilang lalawigan at ipinakalat din ng Manila-based mercenary vloggers na idinadawit siya at ang kaniyang kapatid na si Surigado del Norte Gov. Lyndon Barbers sa illegal na droga.
- Latest