Kaligtasan ng 28K OFWs sa Israel tiniyak

MANILA, Philippines — Siniguro ni House Deputy Majority Leader at ACT-CIS partylist Rep. Erwin Tulfo ang kaligtasan ng mahigit 28,000 OFWs sa Israel ngayon kasunod pa rin ng patuloy na giyera ng naturang bansa sa grupong Hamas sa Gaza City, Hezbollah sa Lebanon, at sa bansang Iran.

Ito ang naging pangunahing paksa matapos ang courtesy visit ni Israel Ambassador to the Philippines na si Ilan Fluss sa tanggapan ni Tulfo sa House of Representatives sa Batasan, Quezon city nitong Nobyembre 27.

“My question, Mr. Ambassador, is that we have a lot of Filipino friends  and they have a lot of relatives in Israel right now. How are they?,” tanong ni Tulfo sa Ambassador.

Agad naman siniguro ni Fluss na tinitiyak nila ang kaligtasan ng mga Filipino sa kanilang bansa sa kabila ng patuloy na giyera sa lugar.

“We’re treating them like Israelis. In their homes, we have a shelter or a safety room,” ani Fluss.

“They (Filipinos) are not sent close to the borders or war-torn area. We are making sure that where they stay they have a safety room, a shelter, and if they need anything, they have a number they can call,” dagdag pa ng ambassador.

Paliwanag pa ng opisyal na sa “green zone” o “safe area” lang ng Israel nagtatrabaho ang mga Pinoy workers at malayo sa mga delikadong lugar.

Karamihan sa mga Pinoy na nananatili sa Israel ay mga caregivers at hotel workers.

Ipinarating din ng Ambassador kay Rep. Tulfo na sa ngayon ay kailangang kailangan pa nila ang mga Filipino workers sa kanilang bansa pero hindi nila ito magawa dahil sa patuloy na deployment ban ng mga Filipino sa Israel.

Show comments