Deportation ng Pinoy ‘scammer’ mula Indonesia, ‘di palit-ulo – PNP

This photo shows a picture of a hand in handcuffs.
Pixabay / File

MANILA, Philippines — Iitinanggi ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group na hindi  palit-ulo ang ginawang pagpapadeport sa Pilipinong si Hector Pantollana, na naaresto sa Indonesia dahil sa pagkakasangkot sa billion-pesos investment scam.

Ayon kay kay PNP-CIDG Director BGen. Nicolas Torre III, ang pagkakaaresto kay Pantollana ay resulta ng magandang ugnayan sa pagitan ng Pilipinas at Indonesian National Police.

Ani Torre, pinabalik sa bansa si Pantollana upang papanagutin sa kanyang ginawang panloloko sa mga negos­yante at makuha ng mga biniktima ang hustisya.

Wala rin aniyang hinihinging kapalit na pabor o indibiduwal ang Indonesian government.

Kamakailan, ipina-deport din ng Pilipinas ang isang Indonesian fugitive na sangkot sa scamming activities at naaresto sa umano’y Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) hub sa Bataan.

Sinabi ni Torre na walang natanggap na opisyal na sulat ang PNP ukol sa palit-ulo sa dalawang pugante.

Show comments