3 barko ng China, naispatan malapit sa EEZ – PCG

MANILA, Philippines — Kinumpirma ng Phi­lippine Coast Guard (PCG) ang presensya ng tatlong Chinese Maritime Scientific Research Vessels, malapit sa Exclusive Economic Zone (EEZ) ng bansa.

Sa Saturday News Forum, sinabi ni Commodore Jay Tarriela, tagapagsalita ng PCG sa West Philippine Sea, namataan ang research vessels sa karagatan ng Cagayan, Davao Oriental, at Siargao Island.

Ito ang mga barkong may pangalan na Xiang Yang Hong 3, Jia Geng, at Xiang Yang Hong 10.

Namataan ang mga ito noong Nobyembre 14 sa 200 nautical miles mula sa Davao Oriental at Siargao Island.

Nasundaan pa ito noong Nobyembre 17 sa layong 257 nautical miles mula Hilagang Silangan ng Sta. Ana, Cagayan.

Ngayon umaga ng Sabado, namataan ang research vessels sa 211 nautical miles ng Sila­ngan ng Siargao Island.

Sabi ni Tariella, wala pang malinaw na impormasyon kung ano ang pakay ng mga nasabing barko malapit sa bansa.

“Basically dumaan lang siya talaga. It never loitered. Pumasok siya lumiko ulit,” ani Tarriela.

Nitong Sabado, sinabi ni Tarriela na nakita ang mga barko sa layong 210 nautical miles sa silangan ng Siargao Island sa Surigao del Norte.

Kinilala ang tatlong Chinese research vessels ay Xiang Yang Hong 3, Jia Geng, at Xiang Yang Hong 10.

Gayunman, sinabi ng opisyal ng PCG na simu­la nang pumasok ang mga sasakyang pandagat sa EEZ ng Pilipinas, dapat ay humingi na sila ng clearance sa Department of Foreign Affairs.

Show comments