^

Bansa

Pagkakaisa ng Pinoy, gobyerno panawagan ng mga pari

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nanawagan ang mga pari na kinaaaniban ng Diocese of Cubao sa sambayanang Pilipino at pamahalaan na magkaisa para magkaroon ng isang diwa ang pamayanan.

Sa ginanap na paglulunsad ng Clergy for Good Governance sa Immaculate Concepcion Cathedral sa Cubao Quezon City kahapon, sinabi ni Fr. Tony Labian, humarap na sila sa media dahil hindi sila maaaring tumahimik na lamang at hindi pakinggan ang nangyayaring paghihirap ng mamamayan.

Anya, may 12 obispo at 211 pari nationwide na pumirma para magsama-sama at magkaroon ng isang tahimik, humane Philippine Society, pagbabago, katotohanan at hustisya.

“We cannot be silent, and we refuse to be silenced when our brothers and sisters suffer and we see our society come down and fall apart. We are one with our bruised and wounded people who nonetheless put their hope and trust in the Lord for hope does not disappoint,” ayon kay Fr. Joel Sabalia ng Archdiocese ng Novaliches.

“Nakakaumay, nakakasawa at nakakawalang gana na sila pa  ang hadlang sa pag-unlad, silang dapat magkaloob ng pagkain ay sanhi pa ng hirap at pagkalam ng tiyan, sila na dapat magtanggol pero sila pa ang ahente ng kataksilan, paghihirap ng mamamayan at kawalan ng katahimikan sa bansa,” sabi ni Fr. Robert Reyes.

Anila, kailangan ding magsalita ang mamamayan at huwag manahimik lamang dahil kung walang pakikialam ang pamayanan ay walang good governance, walang pagbabago at pag-unlad.

PINOY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with