83 Chinese militia, fishing vessels namonitor sa West Philippine Sea
MANILA, Philippines — Umaabot sa 83 Chinese militia at mga fishing vessels ang namonitor sa Pagasa Island sa West Philippine Sea (WPS) nitong Miyerkules, ayon kay US Maritime security expert Ray Powell sa kaniyang post sa X, dating Twitter.
“Marine Traffic confirms at least 83 China militia & fishing ships within Philippines Thitu (Pag-Asa) Island’s territorial sea right now,” dagdag pa ni Powell, dating Defense Attache at dating US Air Force Colonel.
Sa panig naman ni Rear Admiral Roy Vincent Trinidad, spokesperson ng Philippine Navy sa WPS, nasa 75 Chinese ships ang namonitor sa Pagasa Island na malapit sa Subi Reef na kinontrol na sa militarisasyon ng Beijing.
“Yung ating monitoring will show us ‘yung ano numbers ay nasa, ang subi reef kasi is within the territorial sea ng pagasa, so ‘yung ganung numbers that will be fairly accurate na malapit lang naman yun sa pagasa pag lumabas sa Subi reef ay nasa karagatan ka rin ng Pagasa,” pahayag ni Trinidad.
Inihayag ni Trinidad na ang presensya ng mga Chinese ships at militias bukod sa Pagasa Island ay mayroon din sa Escoda at Ayungin Shoal.
Ang Pagasa Island, isa sa mga inookupang isla ng Pilipinas sa WPS ay nasa 285 nautical miles ng Palawan.
Nitong Martes ay inihayag ni Trinidad na nasa 54 Chinese ships at militias ang namonitor nila sa WPS.
- Latest