MANILA, Philippines — Tumaas ang satisfaction at trust ratings ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. habang bumagsak naman ang ratings ni Vice President Sara Duterte.
Sa pinakahuling survey ng Tangere nitong Nobyembre 19-22, tumaas sa 47.3% ang satisfaction ni Pangulong Marcos nitong Nobyembre mula sa 46.9% noong Oktubre at umakyat naman sa 59.6 percent ang trust ng Pangulo noong Nobyembre, mas mataas sa 59.3% noong Oktubre.
Lumagapak naman ang satisfaction ni Duterte sa 47.5% noong Nobyembre kumpara sa 48% noong Oktubre. Bumaba rin ang kanyang trust sa 55.5% mula sa 56% noong Oktubre.
Tumaas naman ang satisfaction ratings ni House Speaker Martin Romualdez sa 47.3% noong Nobyembre habang ang trust ay umakyat sa 57.4.
Nakakuha din ng mataas na ratings si Senate President Chiz Escudero sa 52.5% satisfaction at 61.3% trust.