^

Bansa

Ratings ni Pangulong Marcos tumaas, VP Sara bumagsak

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Tumaas ang satisfaction at trust ra­tings ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. habang bumagsak naman ang ratings ni Vice President Sara Duterte.

Sa pinakahuling survey ng Tangere nitong Nobyembre 19-22, tumaas sa 47.3% ang satisfaction ni Pangulong Marcos nitong Nobyembre mula sa 46.9% noong Oktubre at umakyat naman sa 59.6 percent ang trust ng Pa­ngulo noong Nobyembre, mas mataas sa 59.3% noong Oktubre.

Lumagapak naman ang satisfaction ni Duterte sa 47.5% noong Nobyembre kumpara sa 48% noong Oktubre. Bumaba rin ang kanyang trust sa 55.5% mula sa 56% noong Oktubre.

Tumaas naman ang satisfaction ra­tings ni House Speaker Martin Romualdez sa 47.3% noong Nobyembre habang ang trust ay umakyat sa 57.4.

Nakakuha din ng mataas na ratings si Senate President Chiz Escudero sa 52.5% satisfaction at 61.3% trust.

FERDINAND MARCOS JR.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with