Banta ni VP Sara kay Pangulong Marcos, ‘national security issue’ – Año
MANILA, Philippines — Itinuturing na national security issue ang lahat ng banta laban sa Pangulo ng Pilipinas.
Ayon kay National Security Adviser Eduardo Año, seryosong isyu ang pahayag ni Vice President Sara Duterte na may inutusan na siya para ipapatay sina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at First Lady Liza Marcos sakaling may pumatay sa kanya.
Sinabi ni Año na anumang mga banta laban sa Presidente ay dapat na iberipika at bigyan ng pansin dahil nakasalalay dito ang bansa.
Nilinaw din ni Año na ang pagbibigay ng protection sa Pangulo ng bansa ay non-partisan at sa halip ang seguridad mismo ng publiko ang kanilang prayoridad.
Biyernes nang maglabas ng kanyang galit si Duterte sa isang virtual press conference kung saan pinagmumura nito ang Pangulong Marcos, Unang Ginang at si House Speaker Martin Romualdez.
“May kinausap na ako na tao sinabi ko sa kanya na kapag pinatay ako patayin mo si BBM, si Liza Araneta at si Martin Romualdez. No joke, no joke. Nagbilin na ako pag namatay ako sabi ko wag ka tumigil hanggang hindi mo mapatay sila. And then he said yes,” ayon kay Duterte.
Ikinaalarma ito ng iba’t ibang sektor.
Nasa heighten alert na rin ang Presidential Security Command.
- Latest