MANILA, Philippines — Dapat umanong kasuhan ng kriminal si Vice President Sara Duterte dahil sa banta nitong pagpatay kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr, First Lady Liza Marcos at House Speaker Martin Romualdez.
Ito ang pahayag ni Atty. Barry Gutierez, dating mambabatas at ex-spokesman ni dating Vice President (OVP) Leni Robredo hinggil sa pagbabanta ng ikalawang mataas na opisyal ng gobyerno.
“A number of people have asked, and as I told @raissawriter in this interview, VP Sara’s tirade can lead to criminal charges -- grave threats, unlawful utterances, and inciting to sedition, all under the RPC (Revised Penal Code), come to mind -- and, of course, impeachment,” sabi ni Gutierrez.
Magugunita na unang sinabi ni VP Sara na may inutusan siya para patayin si President Marcos, First Lady Liza; at Romualdez kapag siya ay napatay.
Ang pagbabanta ni VP Sara ay ginawa nang ang kanyang chief-of-staff, ang Office of the Vice President (OVP) Undersecretary Zuleika Lopez ay na-contempt at nakulong sa House custodial facility nang aminin na hiniling niya sa COA auditors na huwag mag-comply sa patawag ng Kongreso tungkol sa paggamit ng OVP sa confidential funds.