Bong Go: Domestic job creation kailangan vs forced migration ng OFWs
MANILA, Philippines — Matapos kumpirmahin ng gobyerno na malapit nang bumalik sa Pilipinas si Mary Jane Veloso matapos malagay sa death row sa Indonesia, binigyang-diin ni Senator Christopher “Bong” Go na kailangan ng pangmatagalang solusyon upang labanan ang forced migration ng mga Pinoy sa ibang bansa sa pamamagitan ng paglikha ng maraming domestic opportunities sa bansa.
Ipinunto ni Sen. Go na ang mga sistematikong hamon na nagtutulak sa mga Filipino upang magtrabaho sa ibayong dagat ay hindi pa rin natutugunan.
Si Veloso, na naaresto noong 2010 dahil sa drug trafficking at hinatulan ng kamatayan, ay patuloy na nagsasabing siya ay biktima ng human trafficking.
Pinuri ni Go ang diplomatikong tagumpay na naging dahilan ng posibleng pag-uwi sa bansa ni Veloso ngunit sinabi ng senador na mahalagang maharap ang mga dahilan ng migrasyon ng mga Pilipino para sa trabaho.
Binigyang-diin ni Go ang pangangailangang puhunanan ang rural development at localized employment initiatives, para matiyak na ang mga oportunidad ay hindi nakakonsentra sa mga sentrong pang-urban lamang.
Nanawagan si Go na lalo pang palakasin ang proteksyon para sa OFWs upang maiwasan ang mga sitwasyong katulad ng kay Veloso, kung saan ang pagsasamantala at human trafficking ay naglalagay sa mga Pilipino sa panganib. Hinimok niya ang pamahalaan na gumawa ng mas komprehensibong diskarte sa pagprotekta sa mga manggagawang Pilipino sa loob at labas ng bansa.
- Latest