Lopez walang suicidal tendencies

MANILA, Philippines — Walang ‘suicidal tendencies’ at maayos ang kalusugan ni Office of the Vice President (OVP) Chief of Staff at Undersecretary Atty. Zuleika Lopez matapos itong isugod sa ospital noong Sabado, ayon kay House Sergeant -At-Arms retired P/Major Gen. Napoleon Taas base sa ebalwasyon ng mga doktor sa Veterans Memorial Medical Center (VMMC).

“‘Yung nakuha po nating report mula sa doctor ng [PNP] na kasama po ni Atty. Lopez na nagdala sa kanya sa [VMMC], ang resulta po ay normal ang lahat ng kanyang vital signs, pati na ang ECG. Kaya po nagtataka kami kung bakit kinakailangan pa siyang ilipat at ipa-check sa St. Luke’s,” pahayag ni Taas.

“Perhaps second opinion, just for added peace of mind. But ang last na report po sa atin ng PNP doctor is normal ang condition. She is in pretty good shape”, giit ni Taas na sinabing ang inisyal na obserbasyon ng mga doktor ng PNP ay maaring nagkaroon ng ‘panic attack ‘ si Lopez.

Si Lopez ay isinugod sa VMMC pero ipinalipat ito ni VP Sara Duterte sa Saint Luke’s sa Quezon City. Gayunman ay muli itong ibinalik sa VMMC base sa transfer order ng House Blue Ribbon panel.

Show comments