MANILA, Philippines — Sa panahon ngayon, hindi na sapat ang isang trabaho lang. Mapa-estudyante ka man, stay-at-home parent o professional, lahat ay naghahanap ng extra kita para makasurvive.
Ayon sa TM, ang disposable income ng mga Pinoy ay mas mababa kaysa dati dahil sa pagbagal ng ekonomiya, na labis na nakaapekto sa kanilang kakayahang pinansyal. Kailangan nilang gumawa ng mahihirap na desisyon kung paano gastusin ang kanilang limitadong yaman at palaging naghahanap ng pagkakataon upang kumita ng extra para sa kanilang pamilya.
Kaya naman, nilikha ang TM EasyRaket upang tulungan ang mga Pilipinong may pinansyal na hamon na kumita ng kaunting extra sa pamamagitan ng digital channels tulad ng GlobeOne app. Makasisiguro kang legit at ligtas ang raket mo!
Paano gumagana ang TM EasyRaket?
Sa TM EasyRaket, maaari mong gawing retailer ang iyong TM SIM at kumita sa bawat load o promo na iyong ibinebenta. Magkakaroon ka ng 2% na kita mula sa bawat promo load na iyong mabebenta, at makikita mo ang iyong mga kita sa GlobeOne app, na nagbibigay ng madaling paraan upang subaybayan ang iyong mga transaksyon.
Ayon sa TM, ang feature na ito ay nagbibigay-daan sa mga gumagamit na hindi lamang gamitin ang kanilang SIM para sa data at komunikasyon kundi bilang isang retailer account.
Sali na sa TM EasyRaket!
Narito ang steps sa retailer application:
STEP 1: Buksan ang GlobeOne app dashboard at sa Home Page, i-tap ang “TM EasyRaket” icon. Pagkatapos, sa ilalim ng “Kumita na ngayon!”, piliin ang “Become a Retailer."
STEP 2: I-tap ang “Get Started” para mag-register at ang “Next” pagkatapos basahin ang perks na makukuha mo bilang isang retailer.
STEP 3: Kumpletuhin ang impormasyon sa registration page. Gamitin ang toggle button para sa automatic na pagkopya ng GlobeOne profile details mo (First Name, Middle Name, Last Name, Suffix, Birthday, Sex, Email).
STEP 4: I-review ang lahat ng details at lagyan ng check ang box para i-accept ang Terms & Conditions.
STEP 5: I-enter ang SMS OTP na mare-receive ng registered retailer number mo para makakuha ng application confirmation sa GlobeOne at SMS.
Ito naman ang steps sa pag-top up ng iyong Retailer wallet:
STEP 1: Sa retailer account mo, i-select ang “Cash-In” at piliin ang amount na gustong mong i-cash in o i-type ito.
STEP 2: Pumili sa dalawang top-up modes:
1. Via Gcash. Kung ang pinili mo ay GCash, ire-redirect ka sa GCash app mo kung saan kailangan mong mag-sign in. Malalaman mong successful ang top-up mo kapag lumabas ang “Payment Successful” screen at nakatanggap ka ng confirmation SMS.
2. Via Credit/ Debit Card. Kung ang pinili mo naman ay via credit/debit card, kakailanganin mong mag-input ng card details. Malalaman mo ring successful ang top-up mo kapag lumabas ang “Payment Successful” screen at nakatanggap ka ng confirmation SMS.
Ito naman ang step-by-step na paraan sa pagbebenta. Puwede kang kumita ng up to 2% cashback sa pagbebenta ng promos at load!
Benta promo steps
STEP 1: Sa Retailer Dashboard mo, i-tap ang “Benta Promo”
STEP 2: Mag-input ng mobile number at piliin ang account na gusto mong gamitin.
STEP 3: Paglabas ng promos na available sa binigay mong mobile number, i-select ang promo card na gustong gamitin at i-tap ang “Proceed."
STEP 4: Basahin ang promo details sa confirmation screen at i-tap ang “Confirm.” Lalabas ang “Payment Successful” na screen kapag kumpleto na ang transaction.
Benta load steps
STEP 1: Sa Retailer Dashboard mo, i-tap ang “Benta Load”
STEP 2: Mag-input ng mobile number at piliin ang account na gusto mong gamitin.
STEP 3: Piliin o i-type ang load amount at i-tap ang “Send Load."
STEP 4: Basahin ang promo details sa confirmation screen at i-tap ang “Confirm.” Lalabas rin ang “Payment Successful” na screen kapag kumpleto na ang transaction.
Manood at matuto sa TM Diskartips
Upang mas mapalawak ang iyong kaalaman sa mga online raket, bisitahin ang mga Diskartips episodes ng TM sa kanilang YouTube channel. Alamin ang iba’t ibang tips at strategies na makakatulong sa iyo sa iyong paglalakbay sa online retailing.
Ayon sa TM, ang TM EasyRaket ay umaabot sa mga umuusbong na kabataang Pinoy na naghahanap ng extra income sa pamamagitan ng digital channels. Ang feature na ito ay nagbibigay-daan sa mga gumagamit na magbenta hindi lamang ng load kundi pati na rin ng mga pinakamahusay na promos ng TM tulad ng EasySurf50 para sa 3 araw, EasySurf99 para sa 7 araw, at TM EasyPlan150 para sa 15 araw.
Ang TM ay nagbibigay ng simpleng proseso upang ma-access ang EasyRaket sa pamamagitan ng GlobeOne app. Kailangan mo lang i-download ang app, i-register ang iyong SIM, at gumawa ng retailer profile.
Sa kasalukuyan, nakikipagtulungan ang TM sa mga livelihood programs sa barangay level upang makatulong sa edukasyon at maipakilala ang bagong inobasyong ito sa mga nangangailangan. Sa patuloy na pagsisikap ng TM na gawing simple at madaling gamitin ang kanilang mga programa, layunin ng TM EasyRaket na magbigay ng simpleng digital solution upang makatulong sa mga Pilipino sa pagkuha ng dagdag na kita.
#TeaMTayo sa pagkita ng extra
Huwag palampasin ang pagkakataong ito! I-download na ang GlobeOne app at simulan ang iyong raket sa pamamagitan ng TM EasyRaket.
Mag-register na ngayon at simulan ang iyong paglalakbay patungo sa mas maginhawang buhay!
Mag-download na ng GlobeOne app at mag-register bilang load retailer para #TeaMTayo sa pagkita ng extra.
Editor's Note: This #Brandspace story is created with TM. It is produced by the Advertising Content Team that is independent of our Editorial newsroom.
for TM