MANILA, Philippines — Apat katao kabilang ang magkapatid na Pinay ang nasawi sa pamamaril sa Lancaster, California.
Base sa ulat, naganap ang pamamaril nitong Sabado ng umaga sa magkapatid na sina Janvi Maquindang at Christine Asa-Ca kasama ang fiancè ng huli na si Edwin Garcia.
Dead on the spot ang tatlo sa lugar ng krimen habang pinagbabaril din at nasawi ang tatlo nilang aso.
Namatay naman habang ginagamot sa ospital ang ka-partner ni Maquindang na si Mathew Montebello.
Lumalabas sa ulat na dumating ang pulisya dakong ala-1 ng madaling araw nitong Sabado sa bahay ng mga biktima para patayin ang sunog subalit hindi malaman kung ano ang dahilan nito.
Nabatid na si Asa-Ac ay nagsisilbi rin legal guardian ng dalawang nakababatang kapatid na nasa bahay nang maganap ang trahedya.
Dahil dito kaya naglunsad na ang pamilya Maquindang ng isang fund raising para makatulong sa gastusin at sa mga kapatid ng mga biktima.
Wala pa naman naarestong suspek ang mga otoridad na responsable sa naturang krimen.