2 batas makakatulong sa soberanya’t karapatan ng Pinas sa West Philippine Sea - Tolentino

MANILA, Philippines — Ibinida ni Sen. Francis Tolentino ang mga bagong lagda na mga batas na kanyang naisulat na anya’y may malaking tulong sa laban ng ating bansa sa ating soberanya sa West Philippine Sea, ang ­Philippine Maritime Zones Act at ang Archipelagic Sea Lanes Act na nilagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. noong November 8.

Sa kanyang talumpati bilang panauhing pandangal ng Court Stenographers Association of the Philippines - National Capital Region (COSTRAPHIL - NCJR) 1st Area Conference na ginanap sa Baguio City, Baguio, sinabi Tolentino na nakapaloob sa Philippine Maritime Zones Act ang pagdedeklara ng mga hangganan ng pandagat ng bansa alinsunod sa United Nations Convention on the Law of the Sea.

Ninanais din anya ng batas na ito na idesign ang mga archipelagic sea lanes na siyang bubuo ng mga ruta sa ating katubigan at maging sa kalangitan o airspace.

Ang Philippine Archipelagic Sea Lanes Act naman anya ang magtataguyod ng sistema ng mga sea lanes at air routes kung saan maaring dumaan ang mga barko at mga eroplano ng ibang bansa.

Binigyang diin ni Tolentino na ang dalawang batas na ito ang magsisilbing ‘birth certificate’ ng ating katubigan na siyang kokontra sa apela ng China na walang established maritime zones ang ating bansa.

Show comments