117 senatorial bets, ‘nuisance’ — Comelec

Workers install tarpaulins at the Commission on Elections-National Capital Region (Comelec-NCR) office in San Juan City on Monday as they prepare for the arrival of city representative aspirants who will file their certificate of candidacy on October 1, the first day of COC filing.

MANILA, Philippines — Nasa 117 senatorial aspirants ang idineklarang ‘nuisance candidates’ ng Commission on Elections (Comelec), base sa rekomendasyon ng kanilang Law Division.

Ayon kay Comelec Chairman George Erwin Garcia, ang motu proprio petition laban sa 117 senatorial aspirants ay dinesisyunan ng First at Second Divisions ng poll body.

Nilinaw naman ni Garcia na maaari pang iapela ng mga naturang kandidato ang desisyon, sa pamamagitan ng paghahain ng motion for reconsideration sa Comelec en banc o ng restraining order sa Korte Suprema.

Sa ngayon ay mayroon na umanong anim na aspirants, na idineklarang panggulong kandidato, ang naghain na ng apela sa Comelec en banc.

Matatandaang nasa kabuuang 183 senatorial aspirants ang naghain ng certificates of candidacy (COC) sa Comelec para sa 2025 National and Local Elections (NLE) ngunit 66 lamang sa mga ito ang idineklarang lehitimong kandidato ng Comelec Law Department.

Ani Garcia, ang mga naturang lehitimong kandidato ang mapapasama sa opisyal na listahan ng mga kandidato sa pagka-senador sa halalan sa susunod na taon.

Show comments