Duterte: Trillanes bagong attack dog ng Malacañang

Malacañang Palace, the official residence of the president of the Philippines, as seen from the Pasig River.
Gov.ph

‘Hallucination’ lang, – Palasyo

MANILA, Philippines — Tinawag na “hallucination” ni Executive Secretary Lucas Bersamin ang mga akusasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na pinopondohan ng Malakanyang ang mga banat ni dating Senador Antonio Trillanes.

Sinabi ni Bersamin na mahirap nang pumatol sa mga paratang ng dating Pangulo dahil malinaw na hallucination na lamang ito.

“Ano!, mahirap na lang pumatol sa hallucination nya,” sagot pa ni Bersamin.

Ang sagot ng executive secretary ay ginawa matapos ang Tiktok video ng dating chief presidential legal counsel ni Duterte na si Salvador Panelo nang bigla itong tawagan ng dating presidente at sinabing pag-aralan ang paghahain ng kasong libel kay Trillanes.

Sinabi ni Duterte na hindi naman gagalaw si Trillanes kung walang basbas ng Malakanyang dahil kaibigan nito si Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Matatandaan na nagkaharap sina Duterte at Trillanes sa huling hearing ng Quad committee ng Kamara kaugnay sa anti-drug war campaign ng dating administrasyon.

Inaakusahan ni Trillanes si Duterte na tumanggap ng drug money bagay na ikinagalit ng dating Pangulo at muntik hampasin ng mikropono ang dating Senador.

Show comments