Improved PhilHealth benefits, ikinagalak ni Bong Go

MANILA, Philippines — Ikinagalak at optimistiko si Senator Christopher “Bong” Go, chairperson ng Senate committee on health and demography, sa pag-endorso kamakailan ng Benefits Committee (BenCom) ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) Board of Directors sa expanded benefits packages nito.

Ang development na ito ay bahagi ng patuloy na krusada sa healthcare reform ni Go na layong mapabuti ang accessibility at kalidad ng healthcare para sa mga Pilipino.

Ang iminungkahing benefit packages na inendorso bago ang susunod na board en banc meeting ng PhilHealth, ay kinabibilangan ng mga pagpapahusay sa coverage sa heart attack, rare diseases, peritoneal dialysis, assistive mobility devices, at preventive oral healthcare sa ilalim ng Konsulta package.

“Sa wakas, unti-unti na nating naaabot ang hangarin na mas mapalawak ang serbisyong pangkalusugan na abot-kaya at maaasahan para sa bawat Pilipino. Ang mga pagbabagong ito ay makatutulong upang gumaan ang pasanin ng ating mga kababayan sa kanilang gastusin sa kalusugan.”

Ang hakbang na ito ng PhilHealth ay naaayon sa mga mandato ng Universal Health Care (UHC) Act, isang landmark na batas na ipinaglaban ni Go sa panahon ng pagpasa nito.

“Napapanahon ang mga hakbang na ito. Panahon na upang makita ng ating mga kababayan ang tunay na hitsura ng UHC. Dapat maramdaman nila ang kanilang kontribusyon sa PhilHealth ay nagbubunga ng konkretong tulong sa kanilang kalusugan,” sabi ni Go.

Show comments