MANILA, Philippines — Dahil walang tigil o sunud-sunod ang mga natural na kalamidad sa bansa, nanawagan si Senator Christopher “Bong” Go, vice chairperson ng Senate committee on national defense and on finance, para sa isang transparent at komprehensibong pagsusuri sa paggamit ng mga pondo ng gobyerno para sa kalamidad.
Matapos ang matinding bagyong Kristine, Leon, Nika, Ofel, at Pepito na bumayo sa iba’t ibang rehiyon, binigyang-diin ni Go na kailangan ang pananagutan sa paglalaan ng pondo para sa kalamidad.
Dahil dito, sinabi ni Go na napakahalaga ng wastong paggamit ng mga pondo para sa sakuna gaya ng nilalayon ng batas. Bagama’t ang ayuda o tulong-pinansyal ay mahalagang bahagi ng pagtulong, idiniin ni Go na may nakalaan nang pondo para sa mga naturang layunin, halimbawa sa mga ahensiyang tulad ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Binanggit ni Go na dapat ay maging malinaw kung paano ginagamit ang mga pondong ito at at kinakailangan ang mahigpit na pangangasiwa upang maiwasan ang anumang potensyal na maling paggamit ng resources na inilaan para sa pagtugon sa kalamidad.
“Kung noong pandemya, dinagdagan pa ang disaster funds ng LGUs, dapat ay ganoon din ngayon lalo na kung hindi na ito sapat,” sabi ni Go.