Mga ospital nasa code white alert kay ‘Pepito’
MANILA, Philippines — Nakataas na sa Code White Alert ang mga ospital sa iba’t-ibang lugar sa bansa kabilang ang central office ng Department of Health (DOH) upang umantabay sa posibleng pangangailangan sa pagtama ng Bagyong Pepito.
Idineklarang Code White Alert ng DOH ang mga apektadong rehiyon ng National Capital Region (NCR), Cordillera Administrative Region (CAR), Central Luzon, CALABARZON, MIMAROPA, Bicol, at Eastern Visayas.
Kasama rin ang Western Visayas Zamboanga Peninsula, at Northern Mindanao.
Tuloy-tuloy rin ang pakikipag-ugnayan ng DOH, bilang bahagi ng Inter-agency Coordinating Council, sa lahat ng Centers for Health Development (CHDs) at Regional o Provincial Disaster Risk Reduction and Management Offices para alamin ang sitwasyon ng bawat rehiyong apektado ng bagyo.
May nakaantabay ding mga Health Emergency Response Team sa mga evacuation center.
May naka-standby din sa CAR, NCR, at Western Visayas quad cluster team na binubuo ng Public Health Team, Water, Sanitation and Hygiene Team, Nutrition Team, at Mental Health at Psychosocial Support Team.
- Latest