Sara: Duterte ‘best dramatic actor’ sa quad comm
MANILA, Philippines — Tinawag ni Vice President Sara Duterte na ‘best dramatic actor’ ang kanyang amang si dating Pang. Rodrigo Duterte, matapos ang pagdalo nito sa imbestigasyon ng House quad-committee sa war on drugs na inilunsad niya noong panahon ng kanyang administrasyon.
Sa sidelines ng 89th founding anniversary celebration ng Office of the Vice President (OVP) kahapon, sinabi ni VP Sara na bibigyan niya ng rating na ‘12 out of 10’ ang ama dahil sa naging ‘performance’ nito sa pagdinig.
“Kayo na lang ‘yung umintindi, nakikita niyo naman sa ginagawa niya, e. Kitang-kita!” pahayag pa niya, nang hilingin ng mga mamamahayag na ipaliwanag ang kanyang rating.
Samantala, ipinaliwanag rin naman ni VP Sara ang kanyang biglaang pagdalo sa naturang hearing at sinabing nandoon siya upang bantayan ang kanyang ama at hikayating magpa-excused na lamang dahil sa isyung pangkalusugan.
“Nagsimula ‘yung araw niya 6:00AM and mga around 10:30PM na ata ‘yun. Sinabi ng ano na baka low blood sugar na. Eh hindi kumakain… Naniwala naman siya nung sinabi namin na kumain na muna siya,” dagdag pa niya.
Anang bise presidente, “Usually kasi hindi siya nakikinig sa mga kasama niya, so humihingi sila ng tulong sa ’kin kung anong isabi, pagsabihan.”
- Latest