FL Liza, BingoPlus, naghatid ng tulong sa ‘Kristine’ victims sa Batangas

Nasa larawan sina First Lady Liza Araneta-Marcos (gitna), Eusebio Tanco ng BingoPlus Foundation at kinatawan ng DSWD nang ihatid ang ayuda para sa mga sinalanta ng bagyong Kristine sa Batangas.

MANILA, Philippines — Personal na inihatid nina First Lady Liza Araneta-Marcos at Mr. Eusebio Tanco ng BingoPlus Foundation ang malaking tulong sa mga naapektuhan ng nakaraang bagyong Kristine sa Talisay, Batangas.

Bitbit ang mga ayuda tulad ng relief packs, gamot at cash aid ay tinanggap ng mga residente at lokal na pamahalaan ng Talisay ang tulong mula sa ­Unang Ginang at BingoPlus Foundation.

Sinaksihan nina Batangas Gov. Hermilando Mandanas, Vice Gov. Mark Liveste, DSWD Sec. Rex Gatchalian, Bacolod City Mayor Albee Benitez at iba pang opisyal ang paghahatid ng tulong sa mga residente ng Talisay.

Bukod sa mga relief goods at gamot, nagkaloob din si Mr. Eusebio Tanco ng BingoPlus Foundation ng cash aid sa mga pamilya ng namatayan ng tig-P250 libo bawat ­pamilya, trabaho, kabuhayan o livelihood.

Ang BingoPlus Foundation ay social development arm ng DigiPlus, ang nangungunang online gaming entertainment sa bansa.

Sila ay naglaan ng hindi bababa sa P100 milyong pondo na ang layunin ay makatulong sa mas marami pang Pilipino na nabibiktima ng mga kalamidad.

Isinusulong din ng BingoPlus Foundation na mas marami pang Pinoy ang magkaroon ng access sa libreng edukasyon, libreng kabuhayan at libreng pagpapagamot.

Kaya naman binuo nila ang apat na core pillars para mapalawak pa ang mga natutulungan kung saan kabilang dito ang Future Smart Program, Kalusugan Plus Program, Kabuhayan Plus Program at Game Smart Program.

Show comments