MANILA, Philippines — Hindi panghihimasukan ng pamahalaan kung nais sumuko o magpasakop sa hurisdiksyon ng International Criminal Court (ICC) si dating Panguong Rodrigo Duterte.
Sinabi ni Executive Secretary Lucas Bersamin na hindi haharangin o tutulan ng gobyerno ang nais ni Duterte.
“If the former President desires to surrender himself to the jurisdiction of the ICC, the government will neither object to it nor move to block the fulfillment of his desire” ayon kay Bersamin.
Subalit ayon sa kalihim, kung ipasa ng ICC ang proseso sa International Criminal Police Organization o Interpol na maaaring maglabas ng isang red notice sa mga awtoridad ng Pilipinas, ay walang magagawa ang pamahalaan kundi igalang ito.
Sa sandaling mangyari aniya ito, ang mga law enforcement agencies ay walang magagawa kundi makipagkooperasyon sa Interpol dahil na rin sa protocol.
Ang reaksyon ni Bersamin ay ginawa matapos ang pahayag ni Duterte sa Quadcom hearing sa Kamara na nais niyang mag-imbestiga na agad ang ICC sa umano’y crimes against humanity laban sa kanya.