Philippine Navy inilunsad missile-capable attack craft

MANILA, Philippines — Sa kauna-unahang pagkakataon, nakabuo ang Philippine Navy ng isang fast attack interdiction craft-missile (FAIC-M) na inilunsad sa Naval Shipyard sa Cavite, City nitong Martes.

Sinabi ng Philippine Navy nitong Miyerkules na ang FAIC-M na tinawag na BRP Albert Majini (PG909) ay na-assemble sa bansa.

“This milestone represents our progress in strengthening national security and our commitment to advancing the Self-Reliant Defense Posture (SRDP) program, particularly in shipbuilding,” ani Philippine Navy chief Vice Admiral Toribio Adaci Jr.

“This effort not only empowers our armed forces but also boosts our industries to further innovation and strengthen our maritime nation,” aniya pa.

Ibinahagi ng Phil. Navy na ang barko ay bahagi ng Acero-class patrol gunboat fleet sa Littoral Combat Force nito na may quick intercept capabilities at pinakamataas na bilis na 40 knots ideal, para sa epektibong maisagawa ang misyon ng mga military sa pagtugon sa mga banta at pangalagaan ang interes ng bansa.

Dumalo rin sa launching ceremony bilang partner sa proyekto ang mga kinatawan mula sa Israel.

Show comments