Agosto 1 idineklarang special working day nationwide

MANILA, Philippines — Idineklara ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Agosto 1 kada taon bilang special working day sa buong bansa para sa paggunita ng “Araw ng Paglalathala at Pagtatanyag ng Kasarinlan ng Pilipinas.”

Nakasaad sa Republic Act No. 12073 na kilalanin ang kasaysayan ng Pilipinas sa pamamagitan ng pagkakaisa, national identity, nationalism at nation-buidling. Nais din masiguro ng batas na mapangalagaan ang historical dates at events at magiging accessible sa taong bayan.

Inaatasan din ang National Commission for Culture and the Arts na itaguyod ang historical significance nito gayundin ang DepEd na gumawa at magpatupad ng lesson plans na magbibigay importansiya tungkol dito.

Ang batas ay nilagdaan ni Pangulong Marcos noong Nobyembre 7.

Show comments