MANILA, Philippines — Ngayong Kapaskuhan, regaluhan ang sarili ng home refresh para sa darating na taon.
Para sa mga gustong mag-DIY at pagandahin ang tahanan, ang Bostik ULTRAFINO Skimcoat ang sagot na finishing touch sa alinmang espasyo na siguradong magbibigay ng produktibidad, kaginhawaan, at positibong enerhiya. Goodbye na sa magagaspang na pader o mga hindi kanais-nais na gilid at tanging makinis at pino na lamang na napakasarap hawakan.
“Ayusin at pantayin ang mga pader at kisame sa loob at labas ng inyong bahay gamit ang Ultrafino Skimcoat,” ayon sa Bostik Philippines.
Ang advanced formula nito ay pinupuno ang mga puwang ng hangin, binabawasan ang maliliit na bitak, at pinupulido ang mga ibabaw kung kaya halos perpekto ang finish na maganda sa paningin.
Mapa-paint roller man o sprayer o drywall knife, kayang umakma ng Ultrafino sa iyong estilo para makuha mo ang isang kostumbre at mamahaling hitsura.
“Ang Ultrafino ay maaaring ihalo sa semento, gypsum o calcium carbonate para magamit sa iba’t ibang paraan,” sabi pa ng Bostik.