Garma umeskapo sa Pinas, arestado sa US!

Retired police chief Royina Garma attends the fifth public hearing of the House's quadcom on Sept. 12, 2024.
House of Representatives / Release

MANILA, Philippines — Hinarang ng mga awtoridad sa Amerika si da­ting Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) gene­ral manager at retired police Colonel Royina Garma.

Sa press briefing sa Malakanyang, sinabi ni Interior and Local Government Secretary Jonvic Remulla na noong Nobyembre 10 sakay ng PR 104 flight patungo sa San Francisco sa Amerika si Garma.

Kasama niya ang anak na si Angelica Garma Vilela.

Paliwanag ni Remulla, walang hold departure order at walang kaso si Garma kaya maaring lumabas ng bansa ang dating opisyal.

Subalit dahil kinansela na ng Amerika ang visa ni ­Garma, hindi na ito pinapasok pagdating sa San Francisco.

Pinoproseso na ng pamahalaan ng Pilipinas ang pagpapauwi sa mag-inang Garma na inaasahang darating sa bansa ngayon, Nobyembre 13 at agad na idi-diretso sa Senado dahil isa siyang witness.

Hindi naman matukoy ni Remulla kung bakit kasamang kinansela ang visa ng anak ni Garma.

Si Garma ang nagsangkot kay dating Pangulong Rodrigo Duterte sa extra judicial killings.

Ito rin ang nagsiwalat sa Quad Committee ukol sa “cash for killings” ni Duterte na pinabulaanan naman ng dating pangulo. 

Inilahad ni Garma sa House megal panel na nag-iimbestiga kay Duterte sa kanyang war on drugs na bumuo ito ng isang task force na kapareho ng “Davao Model” na nagbibigay ng financial rewards, pagpondo sa operations at reimbursement sa operational expenses.

Show comments