MANILA, Philippines — Nagbabala ang Armed Forces of the Philippines (AFP) na ang foreign invasions ay maaaring maging sanhi ng cyber attacks sa digital age.
Ito ay sa gitna ng mga diskusyon sa pagpasa ng isang batas na magluluwag sa telco regulations at restrictions.
Ginawa ni AFP chief of staff General Romeo Brawner ang pahayag sa ADR Stratbase Pilipinas Conference 2024, kung saan ipinunto niya na ang pagharap sa cyber threats ay mapaghamon dahil mahirap matuklasan ang mga ito at maaaring sirain ang tiwala ng publiko habang ang ahensiya ay lumilipat sa labas ng traditional battlefields upang protektahan ang bansa mula sa kapinsalaan.
"Today's security landscape is very different from what it was just a few decades ago. While traditional territorial defense remains vital, we are now dealing with adversaries that operate in domains far removed from physical confrontation," sabi ni Brawner.
Ang isang aspeto na itinuturo ng mga cyber security experts at iba pang stakeholders pagdating sa mga banta sa Philippine cyberspace ay ang pagpasa ng Senate Bill 2699, o ang Konektadong Pinoy Act.
Ayon sa consumer advocacy network CitizenWatch Philippines, ang SB2699, kapag naipasa, ay mag-aalis sa pangangailangan para sa congressional franchise ng telecommunication companies, na nagpapaliit sa regulatory powers ng National Telecommunications Commission (NTC) sa isang oversight na lamang.
Tatanggalan din ng bill ang NTC ng oversight functions nito at gagawin na lamang isang registrar, na makasasama sa mga consumer at sa telco space ng bansa sa kabuuan, dagdag pa ng CitizenWatch.
“A worse, more alarming scenario could also emerge. These may open opportunities for cybercrime syndicates to infiltrate and cause harm to our individual and enterprise consumers in both the government and private sectors,” wika ni CitizenWatch lead convenor Orlando Oxales.
Ayon sa cyber intelligence company CYFIRMA, ang Pilipinas ay pangunahing target para sa cyber espionage activities dahil sa kakulangan ng cybersecurity awareness at underdeveloped cybersecurity infrastructure, lalo na sa umiigting na tensiyon sa rehiyon.
Ang Intelligent global network Cloudflare ay nagtala ng average na limang bilyong cyberattacks kada araw sa Pilipinas sa first quarter ng 2024, mas mataas ng 28% kumpara sa naunang quarter.
Ang Konektadong Pinoy Act ay kasalukuyang nakahain sa Senado at naghihintay ng mga karagdagang deliberasyon at aksiyon.