^

Bansa

Turismo sa Boracay bumagsak kay ‘Kristine’

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Turismo sa Boracay bumagsak kay ‘Kristine’
Ayon sa mga negosyante ng Boracay, patuloy ang pagbaba ng bilang ng mga turista na nagtutungo sa kanilang lugar dahilan para malugi sila sa kanilang negosyo.
Walter Bollozos

MANILA, Philippines — Nagpahayag ng matinding ­pangamba ang mga operator ng mga hotel, restaurant at iba pang negosyo sa Boracay, Aklan sa patuloy na pagbagsak ng turismo sa kanilang lugar makaraang salantain ng sunud-sunod na bagyo laluna ng bagyong Kristine.

Ayon sa mga negosyante ng Boracay, patuloy ang pagbaba ng bilang ng mga turista na nagtutungo sa kanilang lugar dahilan para malugi sila sa kanilang negosyo.

Hindi anila sapat ang mga turista sa lugar upang mapanatili ang kanilang  kabuhayan, habang ang Kalibo International Airport ay patuloy na nakakakita ng pagbaba sa aktibidad at mga negosyong pansamantalang nagsasara.

“Sa kabila ng potensyal ng Aklan bilang pangunahing destinasyon ng turismo, ang kakulangan ng sapat na atensyon at suporta mula sa pamahalaang panlalawigan ay nagdudulot ng seryosong epekto sa aming mga negosyo,” ayon sa isang hotel operator sa Boracay.

Binatikos din ng ilang lokal na opisyal at mga negosyante ang kasalukuyang Aklan Governor Joen Miraflores dahil sa halip umanong tulungan sila sa pagbangon mula sa kalamidad ay sinasabayan pa umano nang pagbiyahe sa labas ng probinsiya makaraang dumating mula sa paglalakbay sa Paris, London, Korea at Japan.

BORACAY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with