^

Bansa

US suportado Philippines Maritime Zones Act, China pumalag

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nagpahayag ng suporta ang Estados Unidos sa pagpasa ng Philippines Maritime Zones Act dahil sa malinaw na pagtukoy sa territorial sea ng bansa, habang pumalag naman dito ang China.

Sa pahayag ni US State Department spokesman Mathew Miller, ang Phl Maritime Zones Act ay nakalinya sa 1982 Law of the Sea Convention at sa 2016 Arbitral Tribunal ruling.

Paliwanag ni Miller sa nasabing batas, malinaw na nakasaad ang internal waters, archipelagic waters, territorial sea, conti­guous zone, exclusive economic zone, at continental shelf ng Pilipinas.

Dagdag pa ng opisyal na marami na rin mga bansa ang nagpasa ng katulad na batas nitong mga nakaraang taon kabilang na dito ang mga mi­yembro ng Association of Southeast Asian Nations.

Samantala, agad naman tinutulan ng Beijing ang mga bagong batas kaya pinatawag ng gobyerno ng China si Philip­pine Ambassador to China Jaime Florcruz para ipahayag ang kanilang pagtutol.

Sinabi pa ng China sa Pilipinas na igalang ang kanilang territorial sove­reignty at maritime rights and interests.

Matatandaan na nilagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kamakalawa ang Philippine Maritime Zones Act at Philippine Archipelagic Sea Lanes Act na naggigiit sa soberanya sa South China Sea.

vuukle comment

MARITIME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with