JASIG wa epek vs pag-aresto sa 3 katao - NTF-ELCAC
MANILA, Philippines — Hindi na maaaring gamiting pansalag ang Joint Agreement on Safety and Immunity Guarantees (JASIG) ng mga naaarestong sangkot sa mga heinous crimes.
Ito ang inihayag ni Solicitor General Justice Angelita V. Miranda, Chairman ng Legal Cooperation Cluster ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) kasabay ng pahayag na ang pag-aresto at pagkulong kina Porferio Runa, Simeon Naogsan at Wigberto Villarico ay “fully justified, legal at moral.”
Ayon kay Miranda, ang pag-aresto sa tatlo ay alisunod sa standing arrest warrant na inisyu ng korte para sa heinous crimes gaya ng kidnapping at murder na saklaw ng nawala nang Joint Agreement on Safety and Immunity Guarantees (JASIG).
Dagdag pa ni Miranda na ang terminasyon ng JASIG ay “critical move” dahil nagagamit ito bilang kasangkapan ng criminal impunity. Ani Miranda, layunin ng JASIG na maisakatuparan ang peace talks at hindi magkanlong ng mga kriminal na sangkot sa heinous crimes.
- Latest