^

Bansa

Cajayon nanguna para kinatawan ng Caloocan 2nd district – SWS’

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Patuloy na nakaka­angat si Cong. Mitch Caja­yon-Uy ng Lakas-CMD sa tiwala ng mga taga-2nd District ng Caloocan, base sa pinakabagong survey ng Social Weather Stations (SWS) para sa ­pagka-kongresista sa darating na 2025.

Sa survey na isinagawa noong Oktubre 20-24, umabot sa 64% ang suporta para kay Cajayon-Uy, malayo sa 33% na nakuha ng kanyang katunggali na si Egay Erice ng Liberal Party—isang malakas na pahiwatig ng kumpiyansa ng publiko sa kanyang pamumuno.

Bilang kasalukuyang kinatawan ng distrito, si Cong. Cajayon-Uy ay kilala sa kanyang pagpapatupad ng mga programa para sa edukasyon, kalusugan, at trabaho na siyang nakatulong sa pagpapabuti ng buhay ng mga residente.

Ang kanyang mala­king kalamangan sa survey ay nagpapakita na nais ng mga taga-2nd District na ipagpatuloy ang kanyang mga nasi­mulan para sa mas maunlad na kinabukasan ng Caloocan.

vuukle comment

CALAYON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with