Trump nagpasalamat sa pagbati ni Pangulong Marcos

Republican presidential nominee, former U.S. President Donald Trump points to supporters with former first lady Melania Trump during an election night event at the Palm Beach Convention Center on November 06, 2024 in West Palm Beach, Florida. Americans cast their ballots today in the presidential race between Republican nominee former President Donald Trump and Vice President Kamala Harris, as well as multiple state elections that will determine the balance of power in Congress.
AFP / Chip Somodevilla / Getty Images / AFP

MANILA, Philippines — Kinilala ni United States President-elect Donald Trump ang mensahe ng pagbati ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kanyang pagkakapanalo sa kakatapos lang na halalan.

Sinabi ni US Ambassador to the Philippines Jose Manuel Romualdez na sa pamamagitan ng SMS ay binati ni Marcos si Trump.

“President Trump has won, and the American people triumphed, and I congratulate them for their victory in an exercise which showed the world the strength of American values,” nakasaad sa pagbati ni Marcos.

Tinanggap naman aniya ni Trump ang pagbati ni Marcos sa pamamagitan ng pasasalamat.

Ayon pa kay Romualdez, sa ngayon ay hindi pa tiyak kung mag-iimbita ng ibang lider ng mga bansa ang transition team ni Trump para sa kanyang inagurasyon.

Si Trump, 78, ay muling nanalo sa White House noong Miyerkules matapos makuha ang higit sa 270 Electoral College votes na kailangan para manalo sa pagka-pangulo.

Show comments