Pangulong Marcos ‘di dadalo sa APEC Summit

President Ferdinand Marcos Jr. on October 4, 2024.
STAR/ Noel Pabalate

MANILA, Philippines — Hindi na dadalo si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Asia Pacific Economic Cooperation (APEC) Summit sa Lima, Peru sa Nobyembre 10-16, 2024.

Ayon kay Presidential Communications Office (PCO) Secretary Cesar Chavez, itinalaga ng Pangulo na dumalo sa APEC si Trade and Industry Secretary Ma. Cristina Roque.

Si Roque ang magsisilbimg Special Envoy ng Pangulo sa APEC Economic Leader’s Week.

Paliwanag ni Chavez, hindi dadalo ang Pangulo sa natu­rang pagpupulong dahil uunahin niyang tugunan ang domestic concerns sa bansa.

Bukod dito, tinutukan aniya ni Pangulong Marcos ang pagresponde ng gobyerno sa mga nasa­lanta ng mga nagdaang bagyo.

Show comments