^

Bansa

Waging si Trump binati ni Bong Go

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Ipinaabot ni Senator Christopher “Bong” Go ang kanyang mainit na pagbati kay President-elect Donald Trump sa muli nitong pagkapanalo sa 2024 US presidential election.

Umaasa ang senador na mas lalalim pa ang bilateral relations ng dalawang bansa na kapwa pakikinabangan ng Pilipino at Amerikanong komunidad, lalo ng mga lahing Pilipino sa Estados Unidos.

Bilang isang kapwa demokratikong bansa, sinabi ni Go na ang Pilipinas ay kaisa ng buong mundo sa paggalang sa resulta ng halalan at demokratikong proseso sa US. 

Binigyang-diin ni Go na mahalaga ang isang solidong ugnayan sa pagitan ng dalawang bansa sa pagsasabing matutugunan ng pinalakas na alyansa ang iisang interes, partikular sa economic collaboration, healthcare, at kapakanan ng Filipino-American communities.

“Hindi matatawaran ang halaga ng kontribusyon ng mga kababayan natin sa Amerika. Sa kanilang kasipagan at dedikasyon, nagiging haligi sila ng komunidad at pamilya,” ani Go.

Sinabi ni Go na may mga potensyal na bahagi ng pagtutulungan na maa­aring bigyang-prayoridad ng pamunuan ni Trump. Kabilang aniya dito ang mga pagkakataong pang-ekonomiya na maaaring lumawak sa ilalim ng mga patakarang paborable sa mga manggagawa at negosyong Pilipino.

“Umaapela at umaasa akong mas pagtutuunan ni President Trump ang mga programang makatutulong sa ating mga kababayan sa Amerika,” anang senador.

vuukle comment

ELECTION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with