Duterte ‘di sisipot sa drug war hearing ng Kamara
MANILA, Philippines — “My presence was no longer necessary!”
Ito ang alibi ni dating Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay ng imbitasyon ng Quad Comm ng Kamara para sa itinakdang pagpapatuloy ng pagdinig ngayong araw (Nobyembre 7) sa kaso ng extra judicial killings (EJK) sa madugong giyera kontra droga ng nakalipas na administrasyon.
Sinabi ni Atty. Martin Delgra III, legal counsel ni Digong na bagaman nais ng dating Pangulo na dumalo sa pagdinig ng Quad Comm para sa kaniya ay hindi na umano ito kailangan.
“Regrettably, upon consultation with him, my client (Duterte) respectfully manifests that while he respects and recognizes the authority of the Honorable Committees to conduct inquiries, in aid of legislation, he cannot attend the public hearing as scheduled,” saad ni Delgra sa ipinadala nitong liham kay Rep. Robert Ace Barbers, overall Chairman ng Quad Comm.
Una nang nagpadala ng liham ang kampo Duterte sa Quad Comm na hindi makakadalo sa pagdinig na itinakda noong Oktubre 22 dahilan umano sa usapin ng kalusugan matapos sumama ang pakiramdam ng dating punong ehekutibo.
“While my client’s attendance is supposedly for him to provide valuable insights and to shed light on issues under discussion particularly on extra-judicial kilings (EJKs), it is apparent that the inquiry is a mere political ploy aimed to indict him for crime or crimes he did not commit,” dagdag pa sa liham.
Bukod dito, ayon pa kay Delgra ay humarap na noong Oktubre 28 sa Senate Blue Ribbon Committee si Digong at nagbigay na ng testimonya sa drug war.
Aminado naman si Delgra na nababahala ang dating Pangulo sa pamamaraan umano ng pagdinig ng Quad Comm dahilan baka ma-pressure lamang umano ito na paaminin at pilitang magsabi ng hindi totoo.
- Latest