^

Bansa

OVP: Biyahe ng COS, aprubado ni VP Sara

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
OVP: Biyahe ng COS, aprubado ni VP Sara
Vice President Sara Duterte held a press conference she dubbed the “Drag Me to Hell Presscon” at the Office of the Vice President in Mandaluyong City on October 18, 2024.
STAR/ Ryan Baldemor

MANILA, Philippines — Kinumpirma ng Office of the Vice President (OVP) na bumiyahe nga palabas ng bansa ang kanilang chief of staff (COS) at ito ay aprubado mismo ni Vice Pres. Sara Duterte.

“The Office of the Vice President confirms the travel of Undersecretary Zuleika Lopez overseas on November 4 to 16, 2024,” anang OVP, sa isang pahayag.

Nakapagsumite ­anila si Lopez ng mga kinakailangang dokumento para sa kanyang biyahe at inaprubahan ito ng bise presidente. Personal anya ang biyahe ni Lopez at wala itong kinalaman sa kanyang trabaho sa OVP.

Umapela rin ang OVP na, “Speculations about the purpose of this travel are unfounded and unnecessary. We request to respect the privacy of the family on this difficult time.”

Si Lopez at iba pang opisyal ng OVP, ay ­inisyuhan ng subpoena ad testificandum ng Kamara matapos tumangging dumalo sa pagdinig sa pondo ng kanilang tanggapan, kabilang na ang confidential funds.

Gayunman, inisnab ng mga ito ang pagdinig kamakalawa.

Muli ring naglabas ang Kamara ng panibagong subpoena sa mga opisyal ng OVP, kasabay ng babala na isa-cite na sila for contempt sakaling muli itong isnabin.

SARA DUTERTE.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with