^

Bansa

1.89 milyong Pinoy walang trabaho noong Setyembre

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nabawasan ang bilang ng mga Pinoy na walang trabaho na naitala sa 1.89 milyon o 3.7 percent noong Setyembre 2024.

Ito ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA) ay mas mababa sa 2.07 milyon jobless Pinoy o nasa 4.0 percent noong Agosto ngayong taon.

Sinabi ni PSA chief at National Statistician Claire Dennis Mapa na tumaas naman sa 96.3 percent o 49.87 milyong Pinoy ang may trabaho noong Setyembre samantalang 96.0 percent o nasa 49.15 milyon na may trabaho noong Agosto.

Sinabi ni Mapa na mayroon ding 5.94 milyon mula sa 49.87 milyong may trabahong indibidwal ang nagsabing gustong magkaroon ng karagdagang oras sa trabaho, magkaroon ng karagdagang trabaho, o magkaroon ng bagong trabaho na may mas mahabang oras na trabaho.

Ito anya ay nangangahulugan na ang underemployment rate noong Setyembre ay tumaas sa 11.9 percent mula sa 11.2 percent noong Agosto 2024.

TRABAHO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with