MANILA, Philippines — Umabot na sa typhoon category ang bagyong Marce.
Alas-11 ng umaga kahapon, ang sentro ng bagyo ay namataan sa layong 590 kilometro silangan ng Baler, Aurora taglay ang lakas ng hangin na umaabot sa 120 km bawat oras at pagbugso na aabot sa 150 km bawat oras.
Nakataas ang signal number 1 sa Batanes, Cagayan kasama Babuyan Islands, Isabela, Ilocos Norte, Apayao, Abra, Kalinga, Mountain Province, Ifugao, northern portion ng Nueva Vizcaya at northern portion ng Aurora.
Si Marce ay inaasahang kikilos sa pangkalahatang direksyon ng kanluran hilagang kanluran hanggang ngayong Miyerkules, November 6 bago humina at babalik sa kanluran ng Philippine Sea at silangan ng Extreme Northern Luzon.
Si Marce ay inaasahang mag-landfall sa bisinidad ng Babuyan Islands o sa northern portion ng mainland Cagayan sa Huwebes, November 7 o sa Biyernes, November 8 ng umaga.
Si Marce ay inaasahang patuloy na lalakas at maaabot ang peak intensity bago ang posibleng pag-landfall sa Babuyan Islands o Cagayan.
Si Marce ay inaasahang lalabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) Biyernes ng gabi o Sabado ng umaga.