Pangulong Marcos binisita ‘ground zero’ sa Batangas
MANILA, Philippines — Binisita ni Pangulong Ferdinand ‘Marcos Jr. ang ground zero sa Barangay Sampaloc sa Talisay, Batangas na lubhang naapektuhan ng bagyong Kristine.
Kasabay nito nagdaos din ng isang misa sa naturang lugar para sa mga biktima ng nasabing bagyo.
Namahagi naman ang Pangulo ng iba’t ibang tulong sa mga residente doon ng mga kagamitan para makapagpatayo ng bahay sa mga pamilyang nawalan ng mga tirahan.
Sa bahagi ng Department of Human Settlements and Urban Development, namahagi ito ng mga materyales at kailangan ng may 559 pamilya na nawasak ang mga bahay sa pananalasa ni Kristine.
Nitong Lunes ay idineklara ni Pangulong Marcos ang Proclamation No. 728 bilang Day of National Mourning para mga biktima ni Kristine.
Sa ilalim ng proklamasyon, hinihikayat ang lahat ng mag-alay ng dasal para sa mga nasawi sa bagyo, habang ipinag-utos naman na ilagay sa half-mast ang mga bandila simula umaga sa lahat ng tanggapan at mga gusali ng gobyerno.
- Latest