Imbestigasyon ng Kongreso sa flood control project, ok kay Pangulong Marcos
MANILA, Philippines — Walang nakikitang problema si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa balak ng Kongreso na imbestigahan ang flood control project ng gobyerno, matapos ang matinding pagbaha sa ilang lalawigan dulot ng bagyong Kristine.
Subalit, giit ng Pangulo, dapat din nilang maintindihan na mayroong dalawang panig dito na, na-overwhelm ang flood control natin dahil sa dobleng dami ng ulan na binuhos ng bagyong Kristine na umabot sa higit 700 centimeters kumpara noong Ondoy na higit sa 400 centimeters lang.
Bagama’t may flood control aniya, ay hindi ito kinaya at sa buong kasaysayan ng Pilipinas ay ngayon lang nangyari ito kaya ngayon lang ito haharapin ng gobyerno.
Paliwanag pa ni Marcos, dapat maunawaan ng tao na hindi lang ito tungkol sa budget kundi sa siyensa rin o science dulot na rin ng climate change.
Inihalimbawa rin ng Presidente ang nangyari sa bansang España at sa ibat ibang lugar maging sa Estados Unidos na ngayon lang nagkakaroon ng matinding mga pagbaha at kalamidad.
Kaya ang gagawin aniya ngayon ng gobyerno ay babaguhin ang mga desinyo, patitibayin ang mga imprastraktura, mga flood control, at maglalagay ng slope protection pati sa mga tulay at titingnan ang mas magandang disenyo.
- Latest