Bong Go nanawagan ng suporta sa mga magsasaka na sinalanta ng 2 bagyo

MANILA, Philippines — Nagpahayag ng matinding pagkabahala si Senator Christopher “Bong” Go sa malaking pinsalang idinulot ng dalawang nagdaang bagyo na sumira sa mga pananim sa iba’t ibang rehiyon sa Pilipinas.

Ang pagkawasak na ito ay nag-iwan sa maraming magsasaka na nagpupumilit na makabangon, kaya nanawagan si Go ng komprehensibong suporta ng pamahalaan upang matulungan ang mga magsasaka na makarekober at matiyak ang kanilang pangmatagalang katatagan.

“Ang hirap ng pinagdaraanan ng ating mga magsasaka. Kailangang dagdagan pa ang suporta ng gobyerno para sa kanila, lalo na sa mga lugar na laging naapektuhan ng kalamidad,” ani Go.

Inihalimbawa ang kaso ng Baggao, Cagayan kung saan sinabi ni Go na daan-daang magsasaka ng mais ang naapektuhan ang mga ani ng bagyong Leon.

Dahil dito, itinataguyod ni Go ang full crop insurance coverage para sa mga benepisyaryo ng repormang agraryo, para matiyak na sila ay mababayaran sa pagkalugi dahil sa mga natural na sakuna, pest infestation at plant diseases nang walang pasanin o malaking babayarang premium.

“Ang mga simpleng hakbang tulad ng pagbibigay ng libreng binhi, abono, at makinarya ay malaking tulong na. Pero dapat ay mas palawakin pa natin ang farmers’ markets kung saan direkta nilang maibebenta ang kanilang mga ani sa mga mamimili,” anang senador.

Show comments