500K 4Ps beneficiaries, gradweyt na sa 2024

Bukod sa seven-year limit at pagiging self-sufficiency level, nakasaad sa Rule XV Section 35 ng Implementing Rules and Regulations (IRR) ng 4Ps Law ang mga rason para sa probisyon na naglalahad na maaari ng mag-graduate ang isang benepisyaryo.
The STAR / Michael Varcas, file

MANILA, Philippines — Halos 500,000 household beneficiaries ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ang inaasahang magtatapos na sa programa bago matapos ang 2024.

Ito ang inihayag ni 4Ps Social Marketing Division Chief (DC) Marie Grace Ponce matapos napatunayang naging self-sufficient na ang mga benepisyaryo ngayon.

“Sila po ‘yung tinatawag natin na mga nakatawid na [sa kahirapan] at inaasahan natin na sila ‘yung makasasama natin sa pagputol sa walang katapusang siklo ng kahirapan,” ayon kay Ponce.

Anya, may kakayahan na ang naturang mga benepisyaryo na tugunan ang lahat ng kanilang mga panga­ngailangan, magkaroon man ng krisis ay mayroon silang mapagkukunan, at hindi na sila mahihirapan na tugunan ang pangangailangan ng kanilang mga anak sa pag-aaral at maging sa kalusugan.

Ipinaliwanag pa nito na batay sa Republic Act (RA) 11310 o 4Ps Act, ang programa ay nagbibigay ng conditional cash transfer sa mga mahihirap sa loob ng pitong taon.

Bukod sa seven-year limit at pagiging self-sufficiency level, nakasaad sa Rule XV Section 35 ng Implementing Rules and Regulations (IRR) ng 4Ps Law ang mga rason para sa probisyon na naglalahad na maaari ng mag-graduate ang isang benepisyaryo.

Kabilang dito ang “last child being monitored in the household reaching the age of 18 or comple­ting high school; voluntary withdrawal from the program; and violation or offense in the program resulting in appropriate penalties or removal from the program.“

Show comments