Political dynasty sa Aklan, ikinabahala
MANILA, Philippines — Ikinabahala na ng mga lokal na opisyal ng Aklan ang umano’y political dynasty na nakakaapekto umano sa infrastructure projects sa lalawigan.
Partikular na ikinaalarma ng Aklan officials ang suplay ng sand and gravel para sa mga ginagawang kalsada at tulay.
Minomonopolya diumano ang quarry resources sa Aklan na nagreresulta sa political favoritism, delays, at road safety hazards.
Nasa 50 national road and infrastructure projects ang hindi magagawa dahil kinokontrol umano ang sand and gravel supplies, quarry permits at iba pa.
“In addition, these delays have resulted in undisbursed infrastructure funds allocated by the General Appropriations Act (GAA) 2024 for the Department of Public Works and Highways (DPWH) projects in West Aklan, impacting economic growth and public safety in the region,” saad ng opisyal na hindi nagpabanggit ng pangalan.
Magpapasaklolo na ang local officials sa national government partikular na kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at national government agencies na busisiin ang mga proyekto sa Aklan.
Ang mga umano’y aksyon na ito ay paglabag din sa kamakailang Bagong Alyansa Agreement na nilagdaan ng limang pangunahing political parties, na nagtataguyod ng malinis na pamahalaan. Naganap ang pagpirma sa kasunduan sa harap mismo ni Pangulong Marcos.
- Latest